read me..:)

Friday, November 26, 2010

Sa tingin mu, ano?


Kikinig yan ng "KUNG AKO NA LANG SANA":)

Kagagaling ko lang kila Sarah, one of my classmates na vibes ko, kasundo, kasindaldal at kung anu-ano pa.
May nagtext sa’kin na new number, sabi:
“musta kayo jan?”
Ako:sino to?
Texter:Ate Shasha mu to.
Hayun! Si ate pala. Ugh. Nonsense ba?
Nah! Ganito kasi, sa tinagal-tagal kong nawalay sa sis ko, pati sa iba pa naming kapatid, di man lang ako makaalalang mangumusta o kung anu pa man. Kung napapatext man ako sa kanila, iyon ay kung may kelangan ako. Hay! Sabi nga sa’kin ng bunso namin minsan, “Saka ka lang naman mag-text kung may hihingin ka.” Tawa lang ako sabay sabi ng, “Wala nga akong ibang sasabihin, bakit pa ako magte-text?” sama nu?
At sa conversation namin ni Sarah, naisingit ko yung tungkol sa best friend kong si Joy. Best friend ko for more or less 15 years now (she’s 19 and m 20). Feeling ko kasi anlaki na ng aking pagkukulang. May time ako sa not-so-close barkadas, jamming, shot shot with kakilala lang at kung anu-ano pa man. Pero sa kanya? Ewan ko ba. Matagal-tagal na din kaming walang communication at hindi nagkikita dahil sa nasa work siya sa ibang lugar at nag-aaral naman ako. These past few months, di ko pa maalalang ako unang nagparamdam at nangumusta sa kanya. As in hihinrtayin ko pa talagang siya ang una magtext o magpa-ring sa number ko, at pagkatapos ng isa hanggang tatlong reply, dedo na naman komunikasyon namin ng ilang century.:)).. Medyo mahaba-habang usapan na namin yun aabot ng lima o sampung replies sa pagkukumustahan. Naitatanong ko nga, “asan ang essence ng firendship namin?”, at dahil napi-feel ko talaga na may pagkukulang ako na di ko naman alam kung papanu makakabawi, naiisip ko nalang, “Ano ba talaga ang pagkakamali ko?”, “Ako ba tong may kung anung problema?” Di ko din mahanapan ng kasagutan ang mga simpleng tanong na yan saking isipan pero isa lang naman ang masasabi ko, hindi siya mapapalitan bilang “bestest” at “truest” friend ko. All my life, di pa ako nakakita ng taong tutumbas sa pagiging totoo niya as a friend. PERO sa tingin mo, may mali ba sa’kin?
Kung sa loob ng pamilya naman namin, sa mga kapatid ko, di ko idedeny na mas may time pa ako sa barkada at kung anu-ano pang walang-kwentang (nga siguro) libangan. Kung may matatanggap man silang text galing sa’kin, asahan nilang ang laman, “Dy, padagdag ng allowance.” O di kaya naman “Pambayad ko ng ganito o ganyan.” At kung mga kapatid ko ang itetext ko, “Pakisabi wala na akong allowance.” Hay! Kung ikukumpara mu naman sa pakikipagpalitan ko ng text sa mga di ko naman close na barkada, kukulangin pa ata ang isang araw na balitaan ng mga walang kwentang pangyayari.
Saan at ano ba talaga ang malin sa ugali ko?
PS: pasensya, di ko talaga alam kung papanu ilabas ng buong buo yung nasa isipan ko.

2 comments:

kikilabotz said...

dapat talaga nagmamahalan ang mgkakapatid. cguro one day mamimiss mo rin cla ^_^

hindi k nmn masma, hnd k lng talga siguro open sa kanila

Pen Ginez said...

ahaha..tama!!! di akjo showy ng feelings ko for them..