read me..:)

Showing posts with label all about me. Show all posts
Showing posts with label all about me. Show all posts

Saturday, July 02, 2011

drama ba?

Yesterday…

Classmate 1: ano ang height mo?

Me: 4’9”

Classmate 2:  4’3” yata eh? (Biro niya)

Me: (smiling) aanhin mu naman ang kantangkaran mu kung wala ka namang “face” at “utak”?

Classmate 1: tumigil ka na!

Ahaha… di ko naman inasahang matatamaan siya.. well, was just stating some sort of truth.:D







I just wanna talk (or maybe speak) about my parents this time. First, I’d like to introduce the family members with few lines about them and using their aliases.

Daddy cool. Intelihente, mathematician, chess wizard and walking dictionary. FEU commerce graduate with major in accounting, CPA. And actually, ayun sa nakalap kong info, top five siya noon sa CPA licensure exam. Sadly, these are the few things I can brag about speaking of him.

Mommy: plain housewife na lagging wala sa bahay. :D
        Elementary undergrad.

Shobis: eldest in the brood of nine. She already has 5 kids of her own. Rebelde. Akala ko dati, akin ang tronong “black sheep of the family” pero papatalo ba naman yan sa katusuhan? Totoo naman.  She fit the title.


Hopper: best brother in the world not because he shoulders my school expenses but because he’s blessed with a pure heart.

Ben: Masipag. Not vocal for his care for his siblings.

Jhong: Quick-tempered.

Wating: a young dad. Tatay ng paborito kong pamangkin.

Kunyang: not yet a registered nurse. Uulitin ko ba? Graduate ng nursing. Hihi

Shang: napaka-caring na ate.

Shao (ako): pinakatopakin sa pamilya.:D
        Matalas ng dila.

Abbo: Bunso namin na kung umasta, parang mas matanda sa’kin.

Yun naman. But NOTE: hindi naman ito sa paninira sa kahit sa sino sa miyembro ng aming pamilya. Be open-minded when you attempt to read this post.

Nag-uusap kasi kami ng ate Kunyang ko kaninang tanghali about dad and mom. Badtrip kasi ako ke mudra. I arrived home yesterday to get my allowance from her only to find out na wala na naman siya sa bahay. Ang plano ko kasi, babalik din ng Bayombong para tapusin ang lahat ng assignments na iniwan ng aming propesor.

Sabi ng ate, bakit daw ganun sila. Mom wants us to treat and respect her as a real mother above everything but my ate pointed out that how are we gonna be the way mom wants us to be if in the first place, she herself fails to be a good example to us? Anjan kang halos araw araw murahin, lagi siyang wala. Ate even came to the point of comparing my mom to the other moms. Na bakit daw sina ganito, tamad naman gaya namin pero di sila minumura ng mama nila? I’d often contradict my sister’s perception of what my parents display saying “ikaw lang naman ang nagsasabi niyan eh.”

Don’t get me wrong, I love my mama and papa so much even they are very far from perfect parents. Minsan, kasi chocolate lover si papa, I’d buy him pasalubong, prepare a cup of coffee for him kasi mahilig din sa kape, o di kaya naman i-prepare ang pagkain niya. Si mama naman, di ko maiparamdam sa gawa ang pagmamahal ko sa kanya pero lagi kong sinasabi na pag nakapagtapos ako, i-spoil’in kosiya.

Halos lahat kaming magkakapatid may sama ng loob sa kanila the fact nakita naman namin ang pagkukulang nila. spiritual man o moral na paalala wala naibigay ang parents namin. Kung tutuusin, hindi naman masasabing mga suwail kaming anak sa kanila dahil kahit malaki ang pagkukulang nila, di namin sila binabastos.

Sino ba naman kasi ng mag-aakalang isang CPA (si papa), dukha? Ganito kasi, nasa mataas na posisyon sa isang kumpanya ang aking tatay noon at the same time, nililigawan siya ng ibang kumpanya sa mas mababang posisyon pero tutumbasan nila o higitan ang sweldo niya sa isang kumpanya. Ma-pride nga daw si papa dahil siguro visible na din nang mga panahong iyon na mababankrupt na yung pinagtatrabahuan niya, ni-reject niya yung mas malaking kumpanya.

Looking at the case positively, I may not be raised by perfect parents, their imperfections serve as my guide of how I will mold myself in order to become a good parent (if lucky to be one) someday.

Isa pa, sila ang gumawa sa’kin kaya ko naman naranasan kung paano mabuhay. Naranasan kong umiyak, masaktan, magmahal, magpaiyak, manakit at lahat lahat kaya dapat akong magpasalamat sa kanila.

Kung hindi dahil sa kanila, di ko makikita kung anong klaseng buhay ang nais kong iparanas sa magiging anak ko (kung nagkakaroon). Siyempre, di ko ipaparamdam at ipaparanas lahat ng karanasang di ko nagustuhan.

Iyon lamang muna sa ngayon.

Friday, November 12, 2010

memories


Just as usual, I an d a classmate went straight here at Apo Pilo after class dismissal. We have researches to do but I can't stop myself from opening my blog account. Hehe!

This morning, while I was in the bathroom, of course, washing, memories of my childhood to my high school days came to my mind. the unforgettable ones. Well, these are what I want to share in order of events. Some I think are sort of confession.

I think I have this inborn laziness when in comes to formal education/school. Noong ako'y nasa grade one, lagi akong sinusundan ni mudra na may daladalang pamalo. Awh!! habulan kami. Bata palang talaga aku noon pero marunong na ako umiwas pagdating sa ganung bagay which shows improper breeding. Haha! Pero wag naman sanang isali dito ang nanay ko. Kasi di ko man maalalang tinuruan akong magmano, di ko din naman maalalang tinuruan akong magmura and all the things like it.

Naaalala ko pa, sumali ako ako sa isang away-bata na di naman talaga ako involved. We were shouting against one of our classmates, "asong ulol!" repeatedly. Mukha siyang kawawa. Grade two naman ako noon.

Bale sa Pangasinan pala ako nag-grade one and transferred in my mom's province when I stepped grade two. Dalawa lang ang kasakasama ko noon. My two best friends since infancy ata. Haha! Joy and Judy.

Pagdating ng grade six, sumali naman ako kunwari sa girl's scout. We went for an outing in one of the best spots in our province, sa may cave. Isang katangahan. I wore a yellow floral dress and barbie sandals. Di ko naman kalaing sa cave at aakyat sa madudulas na wooden stairs.

As I stepped high school, nung first year kami, marami akong kaibigan. I dunno how to describe them—yung pagkakapare-pareho nila. But one nakakahiyang gawain wna para sakin ay impluwensya ng barkada dahil totoo namang sa kanila ko natutunan, magbigay ng sulat sa lalake! Maagang lumandi. Pero di naman love letter yung ginawa ko na gaya ng sa mga barkada ko by the time.

First year din to. I met a jolly guy in a quadrangle where flag rites were performed. Okay siya sabi ko sa sarili ko kasi nga gay na gay, mahilig magpatawa at para din siyang gay guy. Every time I went to school, every time I crossed path with him, lagi niya akong sinasalubong. Meron pang isang araw on my way to my respective classroom kasi di ko siya classmate, though I pretended that I did not notice him, nilapitan pa rin niya ako at sa pag-iwas ko, he pinched me on my left arm ata. Sa inis ko, sa guidance counselor ko agad sinumbong. Then when the guidance asked him why he did it to me, he blurted out, "ma'am crush ko gamin." (crush niya daw ako). JM pala initials niya.

Hang-out ng tropa, sa may lilim ng puno ng gemelina. O kaya, sa riverside, malapit sa may beer-house.

Pagdating ng second year, the same person as the previous one—si JM, gave me a..hmm.. cheap??? flower.. yung putting bulaklak na kinuha niya lang sa garden ng school. Acapulco ata yun.. takte!! pahiya ako do'n. I didn't know naman na nanliligaw siya since nung first year pa kami 'til that time but I did not give him a chance.

At ang isa pa, hindi lang lalake ang marunong umakyat sa concrete na bakod. Nag-over the bakod kami minsan dahil sa ayaw kaming palabasin ng guard samantalang wala naman yung aming guro.

Junior high school naman, sa kaartehan ku na siguro to. nilalayuan ku yung pinsan kong guy na may dala-dalang palaka tapos isinusunod naman sa'ken ng gagu. Muntik pa ku mag-collapse.


Freshman, first sem naman sa kolehiyo, nung nasa NC pa ako. Araw-araw ang inuman sa tambayan ng grupo pero nakaharap lang ako tapos nakikipatak na lang ng pambili ng maiinom.

Eto pinaka-recent, parang confession lalo na pag nabasa ng taong sangkot. I had my first cellular phone back when I was in first year. Di man ako nakahawak ng magagarang phone pero adik ako sa pagtetext. Aaminin ko muna na ang mga bagay na, hulaan niyo na lang, hehe!! ginagawa kong katatawanan pagdating sa text. Hint? Huwag na. Nakilala ko kasi sa isang social networking site etong si Mr. L. bilang ambisyosang nilalang, nakita ko kasi sa kanya yung mga gusto ko sa isang lalake—may itsura, matangkad, matalino, hindi baduy—idagdag pang kapatid ko siya sa pananampalataya. Then, message siya, reply din ako tapos nag-decide na lang na ibigay yung kanyang numero. Tinext ko naman. One year mahigit ko na siyang katext. Ayun! Dami namin conversation. Eto kasi tanong ng marami kong kakilala, "posible bang ma-inlove sa text?" Mr. L almost made me believe in it..


gang college pala yung nabanggit ko..:))




eto lang po muna. Kakain pa kasi ako..:)