read me..:)

Tuesday, February 15, 2011

Badtrip! sayang!:)

Nakakainis lang ng sobra-sobra. May isang lalake kasi na "ex" ko daw pero hindi naman, pa-comment comment sa facebook status ko, sobra sobrang nakakaasar lang talaga. As in, sirang-sira araw ko kahapon at ngayon dahil sa mga papansin niyang comment. Hay! Yun talaga ang nakakainis sa mga taong barbaric eh. UU. Barbaric talaga na masahol pa tala sa taong kalye na walang pinag-aralan o di alam gamitin ang pinag-aralan. Parang di tinuruan ng moral lesson ng kung sinumang pwede magturo pero alanagan namang ako ang magturo eh mas matranda siya sa'ken. Grr.. Sarap magmura, andito lang sa harap ko yun, kanina ko pa pinagmumura. Masahol pa sa babaeng nagpapapansin sa lalakeng kinahuhumalingan. Haha. Exaggerated. Pero ganun kasi ang impact sa'kin ng ginagawa niya, wala naman akong balak magpapansin sa kanya, wala akong balak pakialaman ang buhay niya pero siya tong nang-aasar na para bang hindi aware na nkakaburaot na siya.. Hindi yata marunong makiramdam. Anu ba kasiang tamang panawag sa ganung klase ng tao?? Whew! Ako naman, sa sobrang badtrip, dito ko na sa blog naisipang ibuhos ang pagkaasar. Kung yaka ko lang siguro ipa-salvage yun, di talaga ako magdadalawang isip gawin. Nakakairita masyado eh. Isa siyang halimaw, unggoy, urangutan, ape. At kung anu ano pang kaparehong mukha! Di din obvious kung ganu ako naasar nu?


__________________________________________________________________


For an update, I have decided to cut my communication to the man I just met last Sunday for I think, I am not into the game he wants. Ayun! Guys nature, you know it men out there. I am dead interested with him pero ayun nga, ayoko ng ganun. I can't give him what he wants. Naintindihan ko namang ganun ang gusto niya kaya di ko inaway na alam kong gagawin ng ibang babae kung ganung pagtrato ang ipapakita sa kanila ng lalake. Ang saklap nga lang na siya na mismo ang angsabing inosenteng inosente ang dating ko. Tipong ilang beses pa tinanong kung nagka-boyfriend na ba talaga ako. Sa itsura siguro, mayuming suplada. Pero ganun pa rin, he still wanted to go on for the pleasure he is looking for. Sorry siya, I really won't give in for such affair. Saklap din talaga ng mundong ito, punung-puno ng kalalakihang ganun ang pag-uugali. Masyado matakaw sa makalamang pangangailangan. Tama naman diba? Maraming ganoon. Feeling ko nga may kulang sa mga taong ganun. Malamang, kulang sa pagkaing espirituwal pero wis ko feel mangaral dito sa blog. Ang masasabi ko, we all have our own unique ways of learning at ako, natuto namang sa bagay na to. Natuto akong umiwas ng lalakeng "iba" ang hinahangad sa'kin. Sayang nga lang, pasadong pasado talaga siya sa taste ko – five to ten years ahead sa'kin, edukado, as much as possible, may stable job na, at yun nga siya. Bakit ko ba naman kasi patatagalin ang" friendship" ko sa mga taong kagaya niya? Hindi ba pagsasayang ng oras yun? Buti pa 'tong blog, kahit di masagot ang marami kong katanugan, natutulungan akong pagaanin ang loob ko.