Yesterday…
Classmate 1: ano ang height mo?
Me: 4’9”
Classmate 2: 4’3” yata eh? (Biro niya)
Me: (smiling) aanhin mu naman ang kantangkaran mu kung wala ka namang “face” at “utak”?
Classmate 1: tumigil ka na!
Ahaha… di ko naman inasahang matatamaan siya.. well, was just stating some sort of truth.:D
I just wanna talk (or maybe speak) about my parents this time. First, I’d like to introduce the family members with few lines about them and using their aliases.
Daddy cool. Intelihente, mathematician, chess wizard and walking dictionary. FEU commerce graduate with major in accounting, CPA. And actually, ayun sa nakalap kong info, top five siya noon sa CPA licensure exam. Sadly, these are the few things I can brag about speaking of him.
Mommy: plain housewife na lagging wala sa bahay. :D
Elementary undergrad.
Shobis: eldest in the brood of nine. She already has 5 kids of her own. Rebelde. Akala ko dati, akin ang tronong “black sheep of the family” pero papatalo ba naman yan sa katusuhan? Totoo naman. She fit the title.
Hopper: best brother in the world not because he shoulders my school expenses but because he’s blessed with a pure heart.
Ben: Masipag. Not vocal for his care for his siblings.
Jhong: Quick-tempered.
Wating: a young dad. Tatay ng paborito kong pamangkin.
Kunyang: not yet a registered nurse. Uulitin ko ba? Graduate ng nursing. Hihi
Shang: napaka-caring na ate.
Shao (ako): pinakatopakin sa pamilya.:D
Matalas ng dila.
Abbo: Bunso namin na kung umasta, parang mas matanda sa’kin.
Yun naman. But NOTE: hindi naman ito sa paninira sa kahit sa sino sa miyembro ng aming pamilya. Be open-minded when you attempt to read this post.
Nag-uusap kasi kami ng ate Kunyang ko kaninang tanghali about dad and mom. Badtrip kasi ako ke mudra. I arrived home yesterday to get my allowance from her only to find out na wala na naman siya sa bahay. Ang plano ko kasi, babalik din ng Bayombong para tapusin ang lahat ng assignments na iniwan ng aming propesor.
Sabi ng ate, bakit daw ganun sila. Mom wants us to treat and respect her as a real mother above everything but my ate pointed out that how are we gonna be the way mom wants us to be if in the first place, she herself fails to be a good example to us? Anjan kang halos araw araw murahin, lagi siyang wala. Ate even came to the point of comparing my mom to the other moms. Na bakit daw sina ganito, tamad naman gaya namin pero di sila minumura ng mama nila? I’d often contradict my sister’s perception of what my parents display saying “ikaw lang naman ang nagsasabi niyan eh.”
Don’t get me wrong, I love my mama and papa so much even they are very far from perfect parents. Minsan, kasi chocolate lover si papa, I’d buy him pasalubong, prepare a cup of coffee for him kasi mahilig din sa kape, o di kaya naman i-prepare ang pagkain niya. Si mama naman, di ko maiparamdam sa gawa ang pagmamahal ko sa kanya pero lagi kong sinasabi na pag nakapagtapos ako, i-spoil’in kosiya.
Halos lahat kaming magkakapatid may sama ng loob sa kanila the fact nakita naman namin ang pagkukulang nila. spiritual man o moral na paalala wala naibigay ang parents namin. Kung tutuusin, hindi naman masasabing mga suwail kaming anak sa kanila dahil kahit malaki ang pagkukulang nila, di namin sila binabastos.
Sino ba naman kasi ng mag-aakalang isang CPA (si papa), dukha? Ganito kasi, nasa mataas na posisyon sa isang kumpanya ang aking tatay noon at the same time, nililigawan siya ng ibang kumpanya sa mas mababang posisyon pero tutumbasan nila o higitan ang sweldo niya sa isang kumpanya. Ma-pride nga daw si papa dahil siguro visible na din nang mga panahong iyon na mababankrupt na yung pinagtatrabahuan niya, ni-reject niya yung mas malaking kumpanya.
Looking at the case positively, I may not be raised by perfect parents, their imperfections serve as my guide of how I will mold myself in order to become a good parent (if lucky to be one) someday.
Isa pa, sila ang gumawa sa’kin kaya ko naman naranasan kung paano mabuhay. Naranasan kong umiyak, masaktan, magmahal, magpaiyak, manakit at lahat lahat kaya dapat akong magpasalamat sa kanila.
Kung hindi dahil sa kanila, di ko makikita kung anong klaseng buhay ang nais kong iparanas sa magiging anak ko (kung nagkakaroon). Siyempre, di ko ipaparamdam at ipaparanas lahat ng karanasang di ko nagustuhan.
Iyon lamang muna sa ngayon.
2 comments:
kadalasan, kung ano ang nakikita nating hindi tama sa ating pamilya ang siyang nagdudulot sa atin ng isang malaking 'challenge' para baguhin yun at itama sa paraan na alam natin.
tulad ko, lumaki ako na hindi maayos ang treatment ng dad ko sa family namin lalo na sa akin. pero hindi ako naging masamang anak sa kanya, mas lalo akong namotivate na pagbutihin lalo ang pag-aaral ko noon at patunayan sa kanya na malayo ang mararating ko..
ngayon nya lang narealized yung mga pagkakamali nya kung kelan malalaki na kaming magkakapatid at malayo na loob namin sa kanya.. at ngayon, sya mismo yung gumagawa ng paraan para buuin at ayusin ulit yung family namin na nagkaroon ng lamat ang relasyon..
oh di ba.. ang haba ng comment ko.. blog ko ba 'to? hahaha.
haha.. UU nga, haba ng komento samantalang ako, halos walang maisagot..:P
buti kaw, motivated..kami, discouraged.. saklap!
Post a Comment