Naa-amaze naman ako sa mga taong magagaling magkwento. Tipong sinasabayan ng gesture at facial expression na with feelings pa bawat katagang sinasambit. Gutsto kong magaya yung ganun kaso talagang di ko kapalaran ang maging story-teller. hehe
Anyway, dahil sa wala akong mai-post (na naman), try ko na lang ikwento ang maghapon ko.
Para sa'kin, ordinaryong araw lang naman ito. Late natulog the night before pero ang aga gumising. Alam niyo na, pag di mo kama, di ka talaga mahihimbing sa tulog. Namamahay ba. Pagkagising niyo sa umaga, ano una niyo naiisip o ginagawa? Naaalala mo ang mahal mo sabay hagilap sa cellphone at itext siya? Hagilap ng alarm clock na gumigising sa'yo? Mga gawaing dapat tapusin? Mga problemang dapat masulosyunan? O may iba pa sa nabanggit ko? Aaminin ko, alam ko namang una sa lahat, unang una maisip ay ang Ama. Pasalamatan Siya dahil himihinga pa tayo ng maluwag at nananatili sa piling niya. Tama naman ako diba? Pero nakakaligtaan kong gawin ang bagay na 'to eh. Ikaw ba?
Kumakain ka ba sa oras ng kainan at nagpapakabusog palagi? Pagkatapos kumain, siyempre may kanya kanya na tayong lakad, di maiiwasang gutumin tayo dahil sa pagod. pagaka nagkaganun, naghahanap ka ba agad ng makakain? Ewan ko ba. Ako kasi, bukod sa di ako kumakain sa tamang oras, nalilipasan pang gutom. Tapos pag nasa mood kumain, sige ng sige. Pagka naubusan ng malalamon, nababadtrip pa. Pang tanga lang eh. Ayun nga't, madaming nakapansin na pumayat ako dahil sa gawi ko. Ang katwiran ko naman, di naman akodinadapuan ng sakit kaya ok na sa'kin ang katawan kong 'to. :D
_______
Ayun! Birthday nga pala ng aking magandang tita Flor netong singko kaya naman may konteng salu-salo kanina pagaktapos ng pagsamba.:)
Pagkatapos ng salu-salo, gumayak na si tita for her trip to Ilocos. Hinatid namin siya ng aking pamangkin sa higway at sumakay na lamang ng taxi papuntang bus terminal pagkat wala naman kaming sariling service.
Habang nasa trike kami ng aking niece, kimumusta niya ang lovelife ko. Siyempre, wala pa naman akong boyfriend kaya sabi ko naghihintay lang ng darating para sa'kin. Ewan ko ba kasi. Dati rati naman, basta pasado physically, papatulan ko ang lalakeng nagpapapansin o nambobola sa'kin.Pero ngayon, unexpected talaga na naging pihikan na ako. Di ko nga alam kung pagiging pihikan 'to o dala ng pagkasabik kong magkaroon naman ng seryosong lovelife. Yun di gaya ng dati na basta basta na lang itatapon ang involvement sa isang tao. Minsan pa nga, umaalis either of the parties without any word of goodbye, tapos na. Lahat naman ng yun ay WALA LANG talaga. Siguro nagsawa na din ako sa paulit ulit na nangyayari. Naniniwala naman kasi ako ang tunay na lalaki, hinihiling sa Ama ang babaeng para sa kanya kaya hihintayin ko na lang na darating yung ganung lalaki.:D
Eto pa ha. Siyempre, ipinagpapauna ko na lang na FLATTERED MUCH lang ako at hindi maka-get over. hehehe. :D
Bakit daw ang seksi ko tignan. Chucks! nemen nemen nemen... Di ko pers taym marinig pero wala lang, i love compliments eh. Although, the same lines ang naririnig basta ba galing sa iba ibang tao dibaa?? Pampalubag loob lang naman. Pansamantalang naaalis sa isip ko na lagi akong napagkakamalang bata kaya tuloy, di man lang ako magka-boyfriend ng matanda sakin ng limang taon mahigit.
Tapos eto pa sabi ng dalawa kong pamangkin. "Maganda ka tita, hindi ka lang matangkad. (At ayan nga naman ang pruweba!) Dinagdag pang, "ang ganda kaya ng mata mo." Sanay na ako dyan. Yan lagi ko naririnig eh. Biro ko nga, "Sana mata na lang ako 'nu?"
Oh sige, matutulog na muna ako't inaantok na din. Sasusunod na lang uli. Sana may kwenta na ang susunod kong blog entry! :D
2 comments:
Todo pose sa car ah. :-P
dahan2x sa paglalakad hangtaas ng suot mong sandal ahhahahahh
thebackpackman.com
Post a Comment