Nais ko lamang i-blog ang malas na maswerteng araw ko. I say lucky unlucky day, malamang dahil infatuated? ako..
I have my NSTP (CWTS) class during Saturdays, and after two consecutive absences in the course, sabi ko "Dapat hindi na 'ko magkaron pa ng absent." -- before my parents would be informed about my slight negligence.:D Kaya anyun nga't kahit gustung gusto pang matulog ng diwa ko kaninang alas sais ng umaga (puyat kasi), pinilit kong bumangon, prepared my breakfast na milo't gatas worth 15pesos (nakapakete kasi binibili ko). After breakfast, pakulo ng tubig pampaligo. At ayun! Kakasira ng araw. My uncomfortable and sometimes, painful days for the month has started. Alam niyo na? Yan ang unang kamalasan ko dahil sagabal sa exciting namang mga aktibidades namin sa school -- first aid training.
Alas siyete y media ang pasok ko pero mag-aalas otso na ako pumasok (Filipino time, alam niyo na). Inis naman ako dahil hindi acquainted sa assigned area ng klase (absent kasi the previous Saturday) at kinailangan ko pang hanapin ang mga kaklase ko, buti na lang may cellphone, isang text lang ok na. Thanks God, naabutan ko pa ang grupo ng aming klase sa may Accounting.
Instructor pala namin ang late kaya may time pa maglagalag pero sinamahan ko na lang bumili ng pagkain ang mahal kong si Sarah (di kasi nagbreakfast). Pagkatapos ng ilang dekadang pagpila ni Sarah sa canteen sa labas ng school, balik agad sa campus. Aba! aba! Gulat naman ako nang tawagin ako ng guard. Taka pa ako nung itinanong, "Saan ka pupunta?". May ganun? Nakauniporme nga ako ng CWTS eh, di pa ba obvious? Dahil di ko ma-gets si manong guard, hinayaan kong si Srah ang magsalita at nakikinig lang ako nang bigla na nmang nagsalita si manong at sabihin ba namang, "Bakit po ganyan ang suot niyo? Kung papasukin ko po kayo, pagagalitan ako." while looking at my rugged pants. At sabi pa, "Kita na ang hita mo." Kakalurkey lang talaga huh. The fact na ilang beses ko na ginamit pang-iskwela yung pantalon ko, ngayon langn ako naisipang sitahin???? Yan ang katwiran ko, at itanong ba naman sa mga guwadiyang sa car entrance/exit lang assigned, Pero ha, pero bigla ako nakaramdam ng hiya. andami kayang nagdadaang mga estudyante. Potek talaga dahil lingon sakin ang karamihang pumapasok habang punagsasabihan ni manong guard. Kaya naman nag-decide na lang akong magpalit ng pants tutal malapit lang ang tinutuluyan kong boarding house. Aminin ko, napaluha pa talaga ako sa pagkapahiya ko. Ikalawang kamalasan!!!
Bumalik pa ako sa school na nakairap sa guwardiya at halos me pagmumurang lumabas sa bibig. :))
Lumipas naman ang asar at inis ko nang magsimula na ang first aid training -- lovers carry, fireman carry, etc! Di nga lang umabot samin yung bandage training.
At ang pinaka-exciting talaga, ang RAPPELLING activity!!! Yehey!! Naranasan niyo na siguro and perhaps, it doesn't even sound interesting for you pero ako talaga, excited. Una, tinuruan kami kung paano ayusin yung rope para sa katawan (di ko alam ang tawag) na gagamitin sa pag-descend. UU na, ignorante ako. Di naman masama diba? Peo banas ako sa part na yan dahil ang mag-rappel talaga ang gusto ko. Kainis nga eh. Kinailangan ko pa maghintay ng ilang oras dahil nung oumila ako, bigla ako inutusan ng instructor namin.
Bandang alas dos na ko nakapila uli samantalang alas dose nagsimula yung activity.
Sa wakas, my turn! Alas tres na kanina. Kinabitan ako ng kung anu anung mga gamit sa rappelling.
Excited pa ako umakyat sa top floor ng UB building. At, at.
At sinuswerte nga naman ako, yung gwapong facilitator ang nag-assist sa'kin. Bonggang bonggang pagpapa-cute naman ako. At siyempre, moment ko yun. Saya saya ko talaga. Crush lang naman. Pero a big big thanks dahil kahit papano, masaya ang araw ko. Idagdag pang tinanong kung ilang taon na ako, at kung taga-saan ako. Oh diba? Alam ko namang di na niya kailangang itanong ang pangalan ko dahil bago bababa mula sa top floor ng building gamit ang lubid, sasabihin pa ang "I [pangalan] blah blah blah...ready to rappel!" Siyempre, mairinig niya yun dahil kelangang marinig ng isa pang facilitator na nakahawak ng lubid sa baba. UU na nga, para yun lang! Ambisyosa naman ako.:))
Ayun na ang pinakahihintay ko. Pero pasensya na, wala talaga akong wide store of vocabulary. Meaning, can't grasp adjectives to narrate how I felt when I rappelled. Ganun pala, kung nasa baba ka lang na nanonood ng mga taong bumababa mula sa tuktok, nakakaexcite masyado. Pero pag ikaw na ang nakasampa at kahit pa may mga tao namang alam mong aalalay sa'yo, nakakanerbyos ng bonggang bongga.
Siyempre pa, proud naman talaga ako sa bago kong experience. Kahit papano, nagawa ko. di gaya ng iba, umatras dahil sa nerbiyos. Napatunayan kong wala akong "fear of height". hehe.. Nakalimutan ko nga naman kasi ang term eh.:)
No comments:
Post a Comment